Skip section

Magagamit ko ba ang aking account para sa pagbabayad ng matrikula sa K-12?

Oo, ngunit may mga implikasyon sa buwis ng estado sa Oregon. Simula Enero 1, 2018, pinapayagan ka ng IRS na mag-withdraw ng mga pondo mula sa iyong account na walang buwis para sa matrikula (hanggang $20,000 taun-taon) sa anumang pampubliko, pribado, o relihiyosong elementarya o sekondaryang paaralan. Ngunit, bagaman nalalapat pa rin ang federal tax break sa perang naipon para sa matrikula sa K-12, naipasa ang bagong batas ng estado na nag-aalis ng mga bentahe sa buwis ng mga distribusyon na ginawa para sa edukasyon sa K-12. Kailangang ibalik ng mga nagbabayad ng buwis sa kanilang taxable income ang anumang halaga ng kanilang distribusyon sa K-12 na nakatanggap ng benepisyo ng buwis sa kita ng estado ng Oregon at anumang kita mula sa distribusyon na iyon ay kailangan ding i-claim sa kanilang mga buwis sa kita sa Oregon.