Mga sikat na paghahanap
Mga Tuntunin at Kondisyon ng Black Friday
OPISYAL NA MGA TUNTUNIN NG BLACK FRIDAY NEW ACCOUNT PROMO CODE OFFER NG EMBARK NA ISINASAGAWA SA PAGTATAGUYOD NG OREGON 529 SAVINGS BOARD
PAGLALARAWAN: Ang Black Friday New Account Promo Code Offer ng Embark (ang “Alok”) ay nagbibigay-daan sa hanggang 100 indibidwal na makatanggap ang bawat isa ng kontribusyong hanggang $250 na ihuhulog sa isang bagong Embark 529 Education Savings Account (ang opisyal na 529 plan ng Oregon).
TAGAPAGTAGUYOD: Ang Oregon 529 Savings Board
TAGAPANGASIWA: Upward Oregon
PAGIGING KARAPAT-DAPAT: Ang pagiging karapat-dapat ay limitado sa mga legal na residente ng Oregon na hindi bababa sa 18 taong gulang at may balidong Social Security Number o Taxpayer Identification Number (“Kalahok”). Hindi karapat-dapat lumahok ang mga empleyado, direktor, opisyal, katiwala, at ahente (pati ang kani-kanilang mga kasama sa sambahayan at malapit na kapamilya, tulad ng mga asawa, kapatid, magulang, anak, at mga asawa ng mga ito) ng The Bank of New York Mellon Corporation, Vestwell Administration, LLC, at kanilang mga kaakibat na kumpanya, ng Oregon State Treasury, Oregon 529 Savings Board, Upward Oregon at alinman sa kanilang mga kaakibat na organisasyon, at ng anumang mga kasosyo sa promosyon o marketing na nauugnay sa Alok (sama-samang tinutukoy bilang “Mga Entidad ng Alok”).
PAALALA: Ang programang ito ay iniaalok sa limitadong panahon batay sa prinsipyong unang dumating, unang pagsisilbihan. Inilalaan ng Tagapagtaguyod ang karapatang bawiin o wakasan ang Alok anumang oras sa loob ng Panahon ng Alok.
PAANO LUMAHOK: Dapat ibigay ng mga Kalahok ang lahat ng kinakailangang impormasyon upang magbukas ng bagong Embark 529 Education Savings Account (“Embark Account”) online sa www.embarksavings.com/ sa loob ng Panahon ng Alok, kabilang ang paggawa ng paunang kontribusyon sa account (“Paunang Kontribusyon”). Kapag nagbubukas ng bagong account, dapat gamitin ng mga Kalahok ang promotion code na natanggap sa pamamagitan ng text message upang i-activate ang Alok. Limitado sa isang (1) entry bawat indibidwal ang mga entry na isinumite sa nabanggit na website. Ang benepisyaryo ng bagong Embark Account ay hindi maaaring maging benepisyaryo ng isang umiiral nang Embark Account ng parehong may-ari ng account. Hindi karapat-dapat ang mga account na binuksan gamit ang mga pondong inilipat mula sa isang umiiral nang Embark Account. Madidiskuwalipika ang mga entry na ginawa gamit ang script, macro, o iba pang awtomatikong paraan. Maaaring madiskuwalipika ang mga entry na hindi sumusunod sa Opisyal na Mga Tuntuning ito o hindi kumpleto. Dapat kumpletuhin ng mga Kalahok ang kanilang pagsusumite sa pagitan ng Nobyembre 27, 2026, 12:00 a.m. PT at Nobyembre 27, 2026, 11:59 p.m. PT (“Panahon ng Alok”). Hindi magiging karapat-dapat ang mga entry na matatanggap sa labas ng panahong ito.
KATUMBAS NA KONTRIBUSYON: Ang unang 100 Kalahok na gagamit ng promotion code (“Mga Tatanggap”) ay makakatanggap ng halagang katumbas ng kanilang Paunang Kontribusyon, hanggang sa maximum na $250 para sa bawat Tatanggap (“Katumbas na Kontribusyon”), na ihuhulog sa kanilang bagong Embark 529 Education Savings Account sa unang bahagi ng Enero 2027. Dapat matugunan ng bawat Tatanggap ang lahat ng kinakailangan upang maging karapat-dapat na may-ari ng Embark Account at magbigay ng anumang impormasyong kailangan upang maiproseso ang Katumbas na Kontribusyon. Kung hindi natutugunan ng Tatanggap ang mga kinakailangan ng Embark para sa account o hindi naibibigay ang kinakailangang impormasyon, maaaring pumili ng mga kapalit na Tatanggap. Ang Katumbas na Kontribusyon ay hindi maaaring ilipat sa iba, walang katumbas na halagang maaaring kunin bilang cash, at maaaring sumailalim sa mga buwis o kinakailangan sa pag-uulat alinsunod sa naaangkop na batas. Susuriin ang lahat ng karapat-dapat na entry upang matiyak ang pagsunod sa mga tuntunin, at hanggang 100 Tatanggap ang kukumpirmahin sa loob ng 60 araw pagkatapos ng Panahon ng Alok.
MGA KONDISYON NG PAGTANGGAP: Sa pagtanggap ng Katumbas na Kontribusyon, sumasang-ayon ang bawat Tatanggap na siya ang responsable para sa (a) lahat ng pederal, pang-estado, at lokal na buwis, kabilang ang income tax, kung mayroon, na naaangkop sa pagtanggap at paggamit ng Katumbas na Kontribusyon; at (b) anuman at lahat ng gastos na nauugnay sa pagtanggap at paggamit ng Katumbas na Kontribusyon. Sumasang-ayon din ang Tatanggap na ibigay ang kanyang Social Security Number o Federal Taxpayer Identification Number para sa mga layunin ng pag-uulat ng buwis, kung hihilingin. Hindi pinapayagan ang paglilipat o pagpapalit ng Katumbas na Kontribusyon.
PAGSANG-AYON SA OPISYAL NA MGA TUNTUNIN: Sa pamamagitan ng paglahok sa Alok, ang bawat Kalahok ay ganap at walang pasubaling sumasang-ayon na tanggapin ang Opisyal na Mga Tuntuning ito at ang mga desisyon ng Upward Oregon, na pinal at may bisa sa lahat ng usaping nauugnay sa Alok.
MGA KONDISYON/PAGPAPAWALANG-SALA SA PANANAGUTAN: Sa pamamagitan ng paglahok sa Alok, ang mga Kalahok ay: (a) nagpapalaya sa Mga Entidad ng Alok mula sa anuman at lahat ng pananagutan para sa anumang paghahabol, gastos, pinsala sa katawan, pagkawala, o danyos ng anumang uri na dulot ng kanilang paglahok sa Alok, kabilang ang hindi awtorisado o ilegal na pag-access sa impormasyong maaaring gamitin upang makilala ang isang tao o sa sensitibong impormasyon, o ang pagtanggap, pagmamay-ari, paggamit, o maling paggamit ng isang kontribusyon; (b) sumasang-ayon na bayaran ang anumang pinsala at panatilihing walang pananagutan ang bawat isa sa Mga Entidad ng Alok laban sa anuman at lahat ng paghahabol, gastos, pinsala sa katawan, pagkawala, o danyos ng anumang uri sa mga ikatlong partido na dulot ng paglahok ng Kalahok sa Alok; at (c) kinikilala na ang Mga Entidad ng Alok ay hindi gumawa ng anumang garantiya, representasyon, o katiyakan, hayagan man o ipinahiwatig, batay man sa katotohanan o batas, na nauugnay sa Alok, at hindi rin sila responsable o mananagot sa anumang paraan para sa mga ito.
Hindi mananagot ang Mga Entidad ng Alok o sinumang tagapagbigay ng serbisyo para sa mali o hindi tumpak na pagtatala ng impormasyon ng Kalahok, mga pagkakamali, anumang pagkakamali ng tao o iba pang uri ng error, mga teknikal na aberya, nawala o naantalang pagpapadala ng datos, pagkukulang, pagkaantala, pagbubura, depekto, pagkasira ng mga linya ng anumang network ng telepono, kagamitan sa computer, software, kawalan ng kakayahang ma-access ang anumang online na serbisyo o website, o anumang iba pang error o aberya. Hindi rin sila mananagot para sa anumang pinsala sa computer ng Kalahok o ng sinumang ibang tao na nauugnay sa o bunga ng paglahok sa Alok na ito.
BABALA: ANG ANUMANG PAGTATANGKA NG ISANG KALAHOK O SINUMANG IBANG INDIBIDWAL NA MANIPULAHIN O SA ANUMANG PARAAN AY SIRAIN ANG LEHITIMONG PAGPAPATAKBO NG ALOK AY MAAARING PAGLABAG SA MGA BATAS KRIMINAL AT SIBIL. KUNG MAY GANITONG PAGTATANGKA, INILAAN NG TAGAPAGTAGUYOD AT NG MGA KAAKIBAT NITONG ORGANISASYON ANG KARAPATANG MAKIPAGTULUNGAN SA PAG-UUSIG SA SINUMANG SANGKOT NA INDIBIDWAL AT GAMITIN ANG LAHAT NG LEGAL NA REMEDYO HANGGANG SA PINAKAMALAWAK NA SAKLAW NA PINAPAYAGAN NG BATAS. Ang hindi pagpapatupad ng anumang probisyon ng Opisyal na Mga Tuntuning ito ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa probisyong iyon. Kung, sa anumang dahilan, hindi maisagawa ang Alok ayon sa plano, o kung ang hindi awtorisadong pakikialam, pandaraya, pagkilos ng sinumang Kalahok, teknikal na pagkabigo, o anumang iba pang dahilan ay, ayon sa tanging pagpapasya ng Tagapagtaguyod (o Tagapangasiwa), sumisira o nakaaapekto sa pangangasiwa, seguridad, pagiging patas, integridad, o wastong pagsasagawa ng Alok, inilalaan ng Tagapagtaguyod (o Tagapangasiwa) ang karapatang, ayon sa sarili nitong pagpapasya, na madiskuwalipika ang anumang kahina-hinalang entry o Kalahok at kanselahin, wakasan, baguhin, o suspindihin ang Alok.
MGA HINDI PAGKAKAUNAWAAN: Sumasang-ayon ang mga Kalahok na: (a) anuman at lahat ng hindi pagkakaunawaan, paghahabol, at batayan ng pagsasampa ng kaso na nagmumula sa o nauugnay sa Kalahok, Alok, o anumang Katumbas na Kontribusyong iginawad ay lulutasin nang indibidwal, nang hindi gumagamit ng anumang uri ng class action o sama-samang demanda. Ang eksklusibong lugar at hurisdiksyon para sa mga naturang paghahabol o kaso ay nasa Circuit Court of Oregon for Marion County, at ang Kalahok ay sumasang-ayon sa personal na hurisdiksyon ng nasabing hukuman; (b) anuman at lahat ng paghahabol, hatol, at kabayarang iginawad ay limitado sa aktuwal na mga gastos na binayaran mula sa sariling bulsa, kabilang ang mga gastos na nauugnay sa paglahok sa Alok na ito, ngunit hindi kailanman kasama ang bayad sa abogado; at (c) sa anumang pagkakataon ay hindi pahihintulutan ang isang Kalahok na makatanggap ng kabayaran para sa punitive, incidental, indirect, o consequential damages, o anumang iba pang danyos maliban sa aktuwal na mga gastos na binayaran mula sa sariling bulsa. Sa pamamagitan nito, isinusuko ng Kalahok ang lahat ng karapatang maghabol ng mga naturang danyos, gayundin ang lahat ng karapatang humiling na paramihin o dagdagan sa anumang paraan ang halaga ng kabayaran.
Ang lahat ng usapin at tanong tungkol sa pagkakabuo, bisa, interpretasyon, at pagpapatupad ng Opisyal na Mga Tuntuning ito, mga karapatan at obligasyon ng Kalahok, o mga karapatan at obligasyon ng Tagapagtaguyod o Tagapangasiwa kaugnay ng Alok ay pamamahalaan at bibigyang-kahulugan alinsunod sa mga batas ng Estado ng Oregon, nang hindi binibigyang-bisa ang anumang tuntunin sa pagpili ng batas o salungatan ng mga batas (maging sa Estado ng Oregon o anumang ibang hurisdiksyon) na magreresulta sa paggamit ng mga batas ng ibang hurisdiksyon maliban sa Estado ng Oregon.
PERSONAL NA IMPORMASYON NG KALAHOK: Ang anumang impormasyong nakolekta online mula sa mga Kalahok ay napapailalim sa Patakaran sa Privacy ng Embark. Gagamitin lamang ang personal na impormasyon upang pangasiwaan ang Alok at igawad ang Katumbas na Kontribusyon, alinsunod sa naaangkop na mga batas sa privacy. Hindi ibebenta ang personal na impormasyon o gagamitin para sa mga patalastas na walang kaugnayan sa Alok.
MGA PAGHAHAYAG TUNGKOL SA PLANO: Isaalang-alang ang mga layunin sa pamumuhunan, panganib, singil, at gastos bago mamuhunan sa Embark. Mangyaring bisitahin ang EmbarkSavings.com upang makuha ang Plan Disclosure Booklet na naglalaman ng mga ito at iba pang impormasyon. Basahin itong mabuti. Ang mga pamumuhunan sa Embark ay hindi nakaseguro o garantisado, at may panganib na mawalan ng puhunan.
WALANG BISA KUNG SAAN IPINAGBABAWAL: Walang bisa ang paglahok sa Alok sa mga lugar kung saan ito ipinagbabawal ng batas.